Friday, 7 March 2008


Pasasalamat Kay Mr. Lloyd Ang
(sa handog niyang tulong sa mga Senior Citizens)

Salamat, Mr. Ang, sa handog niyong tulong
Sa Senior Citizens nitong aming Nayon
Bihira ng tunay sa ating panahon
Ang may pusong bukas at mabuting layon

Manapa ay lalong higit ang halaga
Ang tumulong doon sa hindi kilala
Sapagka at doon natin makikita
Yaong di naghihintay bigyang gantimpala

Sa gayon ang aming dalangin na lamang
Sampu ng Nayon kong sa inyo'y gumagalang
Ay basbasan sana kayo ng Maylalang
Lakas at Payapa ay inyong makamtan

At sana ay hindi magbago ang puso
Sa pakikisama at pakikitungo
At sa balang tuwina'y laging mapaghulo
Pagtulong sa kapuwa'y ligayang di biro.


	from: 	Anac Ning Arenas
	      	Bgy. Arenas, Arayat, Pampanga		


(C)opyright 2008, Anac Ning Arenas
		--- ooOoo ---